^

PSN Palaro

Sagupaang Pacquiao-Mosley 'di kakagatin ng fans ? Steward

- Ni ATan -

MANILA, Philippines – Hindi kakagatin ng mga mahihilig sa boxing ang pla­nong pagtutuos nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley.

Si Mosley ang siyang sinasabing may mala­king tsansa na makaharap si Pacquiao sa kanyang unang laban sa taong 2011.

Pero para sa nirerespetong trainer na si Em­manuel Steward, mas tatauhin ang laban nina Pacquiao at Marquez kaysa sa Pacquiao at Mosley.

“I just don’t think the public is going to buy Manny against Shane Mosley right now, not after they saw Shane against Floyd Mayweather and then (Sergio) Mora,” wika ni Steward sa panayam ng Boxing Exa­miner.

“Manny and Marquez is a big fight now, right now. I believe both Pacquiao and Marquez are their plateaus, at their fighting best, now which should make for a great third fight?” pagtatanung pa ni Steward na da­ting hinawakan ang careers ng mga kilalang boxers na sina Tommy Hearns, Oscar De La Hoya, Evander Holy­field and Julio Cesar Cha­vez.

Pero idinadag pa ng be­teranong trainer na dapat lamang sipatin si Marquez kung hindi na talaga maisasara ang mega-fight sa pagitan ni Pacquiao at ang problemado ngayong si Mayweather.

“Marquez and Manny both have something to prove, something they can on­ly prove against each other,” wika pa ni Steward.

Kasalukuyang sinisipat pang mabuti ni Bob Arum ng Top Rank ang kanyang listahan matapos ang kawalan ng komunikasyon sa panig ni Mayweather.

Si Mosley ang prayori­dad nito dahil walang magiging problema sa nego­sasyon lalo nga’t walang uma­aktong manager sa be­teranong boksingero.

Si Pacquiao naman ay naghayag ng kahandaan na harapin kahit na sinong boksingero ang ilaban sa kanya ni Arum pero may pag­dududa siyang dapat si Marquez ang isunod dahil sa pangambang hindi ito hahakot sa takilya. 

vuukle comment

BOB ARUM

BOXING EXA

EVANDER HOLY

FLOYD MAYWEATHER

JULIO CESAR CHA

MANNY AND MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

SI MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with