Pacman dapat nang magretiro, ayon kay Salud
MANILA, Philippines - Mahaba na ang tatlong taon para pahabain ang boxing career ni Manny Pacquiao.
Ito ang paniniwala ng adviser ni Pacquiao na si Rex “Wakee” Salud kung saan sinabi niyang hindi na dapat hintayin ng Sarangani Congressman na umabot pa siya ng 35-anyos bago magretiro.
Nasa kanyang 15 taon na ngayon ang 31-anyos na si Pacquiao sa boxing scene na nagresulta sa kanya ng 52 wins, 38 knockouts, three loses at two draws.
“The moment he feels that he can retire, then he should retire,” wika ni Salud, iginiya si Pacquiao sa pagiging kampeon sa flyweight division hanggang sa super-welterweight.
Si Pacquiao ang tanging boxer sa kasaysayan na naghari sa walong weight classes.
“The day will come when he will lose the urge to train so long for a fight, and lose the hungert. Once that moment comes, then that’s it,” wika pa ng matchmaker ng Cebu.
Binugbog ni Pacquiao ang mas matangkad at mas mabigat na si Antonio Margarito noong Nobyembre 13 para sa kanyang unang pagsabak sa 154 pounds.
“I feel I’m still strong so I will keep on fighting,” sabi ni Pacquiao.
“If he feels he has achieved his goals in boxing, then he must retire. He shouldn’t wait until he turns thirty-five,” wika naman ni Salud.
Kabilang sa mga tinalo na ni Pacquiao ay ang mga Hall of Famers na sina Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez, posibleng makaharap niya sa Mayo 2011, at Oscar dela Hoya.
- Latest
- Trending