^

PSN Palaro

Francisco 5-4 underdog laban kay Kokietgym

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Sisikaping patunayan ni Drian “Gintong Kamao” Francisco na kaya niyang manalo kahit ang laban ay idinadaos sa ibang bansa sa pagharap nito kay Duangpetch Kokietgym ng Thailand bukas sa Bueng Kan School, Bueng Kan, Nong Khai, Thailand.

Ang laban ay para sa interim WBA World Super flyweight title at dehado si Francisco kahit may ipa­pa­radang 19-0-1 karta ka­sama ang 15 KOs.

Ang dumungis sa sa­na’y perpektong karta ay ang tabla kay Nino Suelo noong 2007 sa San Andres Gym sa Manila.

Isa pang nagpababa sa tingin kay Francisco ay ang katotohanang lahat ng kanyang mga laban ay ginawa sa Pilipinas.

Ilan sa mga bigating bok­singero na tinalo ni Fran­cisco ay sina Roberto Vas­quez noong Oktubre 3, 2009 para sa WBA international super flyweight title at si Roberto Nunez nitong April 17 na isang WBA super flyweight eliminator.

Mahalaga ang labang ito kay Francisco dahil kung siya ang mangibabaw, makukuha niya ang ka­rapatang lumaban sa WBA title bilang mandatory challenger ng dibisyon.

“Hindi ako takot kahit un­derdog pa ako. Mas gina­ganahan nga ako na lu­maban bilang underdog,” wika ng 28-anyos na si Francisco na para sa labang ito ay sumailalim na siya sa 160 rounds ng sparring.

Dumating ang Team Francisco sa Thailand no­on pang Nobyembre 22 upang makagamayan na ang klima sa nasabing ban­sa.

Si Kokietgym ay isang 30-anyos na boksingero na mayroong 52 panalo, isang talo at isang tabla. Umabot na rin sa 21 boksingero ang kanyang pinatulog sa laban.

Ipinanalo rin ni Kokietgym ang huling 30 laban tampok ang second round KO laban kay Edwin Tumbaga ng Pilipinas para sa PABA Super Flyweight title.

“Handa na ang lahat. Hindi biro ang labang ito pero alam kong kaya ni Drian na manalo,” wika pa ni Elmer Anuran na siyang may hawak kay Francisco gamit ang Saved By The Bell Promotions.

Ang weigh-in ay gagawin ngayon at inaasahang walang magiging problema sa pag-abot sa 115-pound timbang ng da­la­wang boksingero.

BUENG KAN

BUENG KAN SCHOOL

DRIAN

DUANGPETCH KOKIETGYM

EDWIN TUMBAGA

ELMER ANURAN

FRANCISCO

GINTONG KAMAO

NINO SUELO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with