^

PSN Palaro

Tamara tinalo ni Melindo via unanimous decision

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Mula sa opening bell hanggang sa final round ay nakipagsabayan si Milan Melindio kay dating world light flyweight champion Carlos Tamara ng Colombia.

At sa huli, nakakuha si Melindo ng unanimous decision win laban kay Ta­mara sa kanilang non-title, 10-round bout nitong Linggo ng gabi sa Water­front Hotel ballroom sa Cebu City.

Tumanggap si Melindo, ang No. 6 sa flyweight division ng International Boxing Federation (IBF) ng mga puntos na 98-92, 98-92 at 97-93 mula sa tatlong judges.

Itinaas ng 22-anyos na si Melindo ang kanyang win-loss-draw ring record sa 23-0-0 kasama ang 7 KOs kumpara sa 21-6-0 (15 KOs) card ng 27-anyos na si Tamara.

Si Tamara ang umagaw sa IBF light flyweight belt ni Brian Viloria via 12th round TKO noong Enero 23, 2010 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Maaari namang hamu­nin ng tubong Cagayan De Oro, Misamis Oriental na si Melindo ang 28-anyos na si IBF flyweight titlist Moruti Mthalane (26-2-0, 17 KOs) ng South Africa.

Sa undercard, pinabagsak ni OPBF flyweight champion Rocky Fuentes si Thai challenger Inthanon Sithchamuang sa 2:19 sa second round, habang pinigil ni dating IBF minimumweight ruler Florante Condes si Japanese Kenichi Horikawa sa 2:40 sa seventh round at umiskor si dating three-time OPBF king Randy Suico ng isang majority 10-round decision kay RP welterweight champion Arnel Tinampay.

ARNEL TINAMPAY

BRIAN VILORIA

CAGAYAN DE ORO

CARLOS TAMARA

CEBU CITY

CUNETA ASTRODOME

FLORANTE CONDES

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

INTHANON SITHCHAMUANG

JAPANESE KENICHI HORIKAWA

MELINDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with