^

PSN Palaro

Patrombon na-injured, talo sa singles, kumakasa pa sa doubles

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Minalas si Jeson Pa­trom­bon na natubuan ng wart sa kaliwang paa na kan­yang ininda para lasa­pin ang 4-6, 2-6, kabiguan kay Lucas Pouille ng France sa round of 32 ng 24th Yucatan World Cup sa Meridan, Mexico.

Dahil sa sakit na na­ra­ramdaman kapag iti­na­tapak ang kaliwang paa, kung kaya’t limitado ang galaw ni Patrombon sa court na agad na kina­pitalisa ni Pouille para mawakasan ang kampanya ng 17-anyos na Filipino netter na sixth seed din sana sa boy’s singles.

Ngunit hindi pa naman natatapos ang kampanya ni Patrombon sa Grade I tournament na ito dahil nalusutan ng tamba­lang Patrombon at Jarin Grin­ter ng New Zealand ang hamon nina Patrik Fabian ng Slovak Republic at Justin To ng Hong Kong sa bi­sa ng 2-6, 7-6 (2), (10-7) panalo sa round of 16.

Ang second seeds na sina Olivert Golding at George Morgan ng Great Britain ang sunod na makakaharap nina Patrombon at Grinter na may iniinda ring pulled muscle sa tiyan.

 “It was a miracle how they won this match in the tie-break and it was just will to win that got them through to the quarterfinals,” wika ni coach Manny Tecson.

Anuman ang mangyari sa kampanya ni Patrombon sa torneong ito, isa lamang ang tiyak na ito na ang hu­ling laro niya sa 2010.

Inabisuhan na kasi si Jeson ng doktor na sumuri sa kanyang injury na dapat itong ipa-opera na para manumbalik ang dating sig­la nito sa paglalaro.

GEORGE MORGAN

GRADE I

GREAT BRITAIN

HONG KONG

JARIN GRIN

JESON PA

JUSTIN TO

LUCAS POUILLE

PATROMBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with