^

PSN Palaro

Nationals ipinatikim ang galit sa North Korea, hiniya

- Joey Villar, Nelson Beltran -

GUANGZHOU - Ibina­ling ng Smart Gilas Team Pilipinas ang kanilang ngitngit matapos masibak ng South Korea sa quarterfinal round noong Miyerkules sa North Korea, 96-69, para sa tsansang makuha ang fifth place sa 16TH Asian Games basketball competitions sa Ying Dong Gymnasium.

Bagamat nahulog sa classification round, ipina­kita naman ng Nationals ang kanilang pamatay na porma laban sa mga North Koreans.

Ang North Korea ay fourth placer sa Group E sa preliminary round kung saan nila tinalo ang Mongolia, 88-67, at Uzbekistan, 81-70, bago natalo sa Jordan, 80-90.

Sinamantala nina Greg Slaughter, Mac Baracael at Chris Lutz ang mahabang playing time na ibinigay sa kanila ni coach Rajko To­roman.

Kumolekta sina Slaugh­ter, Baracael at Lutz ng pi­nagsamang 28 rebounds, 10 assists at 4 steals para sa Smart Gilas.

Kinuha ng Nationals ang 28-22 lamang sa first period patungo sa 54-37 pagbaon sa North Koreans sa halftime sa likod nina Jayvee Casio, Jason Ballesteros, Sol Mercado at Kelly Williams.

“Obviously, we’re a better team than North Korea,” sabi ni Toroman. “No question, we have a competitive team. It’s a pity we’re not in the semifinals as we couldn’t make our shots against South Korea.”

Isang 17-0 atake ang inilunsad ng Smart Gilas upang tuluyan nang igupo ang North Korea mula sa kanilang 62-37 abante.

Sa pangunguna ng 6-foot-11 na si Slaughter, tinalo ng Nationals ang North Koreans sa rebounding, 50-23.

Philippines 96--Slaughter 18, Baracael 18, Lutz 15, Casio 13, Barroca 9, Tiu 9, Ballesteros 6, Mercado 4, Williams 4, Lassiter 0. 

North Korea 69--Pak MJ 17, Kye 16, Pak UC 9, Sin 9, O 8, Ri 4, Kim 4, An 2.

Quarterscores: 28-22, 54-37, 76-55, 96-69.

ANG NORTH KOREA

ASIAN GAMES

BARACAEL

CHRIS LUTZ

GREG SLAUGHTER

NORTH

NORTH KOREA

NORTH KOREANS

SMART GILAS

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with