Hobe tinalo ang Wang's para sa korona

MANILA, Philippines – Pinataob ng Hobe Bihon ang Wang’s Ballclub, 101-89, sa kanilang winner-take-all showdown upang isubi ang 2010 MBL Invitational basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Isinalpak ni dating PBA player Niño Marquez ang 12 mula sa kanyang team-high 20 puntos sa fourth quarter upang ihatid ang Hobe nina coach Junnel Mendiola at managers Bobby Co at James Café sa korona.

Kumunekta si Marquez, huling nagpakita ng aksyon sa PBA sa koponan ng Air21, ng kanyang ikaapat na tres sa huling dalawang minuto ng sagupaan at ibigay sa Hobe ang 91-86 abante matapos na magbanta ang Wang’s sa 86-88 sa tres naman ni ex-pro Biboy Simon.

Si Liemar Navarro, isang 6-3 recruit mula sa Philippine Christian University, ang nahirang na Most Valuable Player.

Tumapos naman ang Star Group bilang 3rd-placer, habang 4th-placer ang While Royal BC.

Show comments