^

PSN Palaro

Pasok si Jeson sa Round of 32

- Ni A. Tan -

MANILA, Philippines – Inilabas ni Jeson Pat­rombon ang kanyang karanasan upang malusutan ang French lucky loser na si Alexandre Favrot, 6-2, 5-7, 6-3, sa round of 32 ng 24th Yucatan World Cup sa Meridan, Mexico.

Ibinalik ni Patrombon ang momentum sa kanyang panig nang kunin ang unang dalawang laro sa ikatlo at huling set para makaabante sa round of 16 laban sa isa pang French netter na si Lucas Pouille na umukit ng 6-2, 6-2 panalo kay Yannis Baltogiannis na isang lucky loser mula sa Belguim.

Tinukoy ni coach Manny Tecson ang pagka­talo sa second set ni Patrombon ka­hit tinanganan ang 5-4 kalamangan nang mawala ito sa focus matapos ang injury timeout na hiniling ni Favrot.

Umabante rin sa doubles ang tambalang Pat­rombon at Jarin Grinter ng New Zealand sa pamamagitan ng 3-6, 6-1 (10-8) panalo kina Felipe Rojas at Pedro Pablo Ruiz ng Colombia.

Pero kung kaya pang umabante ang dalawa na seventh seed sa torneo ay isa pang malaking katanungan dahil dumanas ng pulled stomach muscle si Grinter at hindi pa tiyak kung makukuha ang tunay na laro sa pagbangga nila sa tambalang Patrik Fabian ng Slovak Republic at Justin To ng Hong Kong sa round of 16.

ALEXANDRE FAVROT

FELIPE ROJAS

HONG KONG

JARIN GRINTER

JESON PAT

JUSTIN TO

LUCAS POUILLE

MANNY TECSON

NEW ZEALAND

PATRIK FABIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with