^

PSN Palaro

Meralco Bolts kinuryente ang Tigers

- Ni R. Cadayona -

MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asa­han, muling iginiya ni Mac Cardona ang mga Bolts sa panalo.

Isinalpak ni Cardona ang isang krusyal na jum­per sa natitirang 30.5 segundo upang tu­lungan ang Meralco sa 88-85 pagtakas sa Powerade sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumolekta si Cardo­na ng game-high 24 points para sa Bolts kasunod ang 21 ni Espi­nas at 10 ni rookie Hans Thiele.

May 5-5 baraha nga­yon ang Meralco katabla ang nagdedepensang Derby Ace (5-5) at Alaska (5-5) sa ilalim ng San Miguel (9-2), Barangay Ginebra (7-3) at Talk ‘N Text (6-3) kasunod ang Rain or Shine (4-5), Meralco (4-5), Air21 (4-6), Powerade (3-8) at Barako Bull (2-8).

Ang ikalawang sunod na tagumpay ang nagpalakas sa tsansa ng Bolts ni Ryan Gregorio na makapasok sa quarterfinal round.

Nalasap naman ng Tigers ni Bo Perasol ang kanilang pangatlong sunod na kamalasan.

Huling nakatabla ang Powerade sa 84-84 mula sa basket ni Gary David sa huling 44.9 segundo galing sa 84-79 lamang ng Meral­co sa 1:39 ng laro.

Pinangunahan nina David at Mark Macapagal ang Tigers sa kanilang tig-18 markers.

Meralco 88 - Cardona 24, Espinas 21, Thiele 10, Aquino 9, Omolon 8, Ross 6, Gamalinda 4, Menor 2, Belga 2, Pacana 2, Weinstein 0.

Powerade 85 - Macapagal 18, David 18, Laure 10, Espino 9, Ritualo 9, Antonio 8, Reyes 4, Calimag 4, Gonzales 3, Rizada 2, Anthony 0, Enrile 0, Mendoza 0.

Quarterscores: 25-19, 42-37, 72-65, 88-85.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

DERBY ACE

GARY DAVID

HANS THIELE

MAC CARDONA

MERALCO

POWERADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with