'Si Bob Arum ang pumipili ng kalaban ni Manny Pacquiao' - Schaefer

MANILA, Philippines – Tiyak na hindi ito magugustuhan ni Bob Arum.

Sinabi kahapon ni Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer na si Arum lamang ang pumipili sa mga kakalabanin ni Manny Pacquiao para matiyak ang panalo nito.

“It really is not Manny Pacquiao, I think that it’s his promoter. Manny fights whoever his promoter puts in front of him,” ani Schaefer kahapon.

Umaasa si Schaefer na papayagan ni Arum na labanan ni Pacquiao si Juan Manuel Marquez.

Tangan ng 31-anyos na si Pacquiao ang 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs kumpara sa 51-5-1 (37 KOs) slate ng 37-anyos na si Marquez.

Naitakas ni Marquez ang isang draw sa kanilang unang laban ni Pacquiao sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round noong Mayo ng 2004.

Tuluyan namang inagaw ni Pacquiao ang suot ni Marquez na WBC super featherweight belt via split decision noong Marso ng 2008.

Show comments