^

PSN Palaro

Patrombon umiskor sa Yucatan Cup

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Binuksan ni Jeson Patrombon ang kampanya sa 24th Yucatan World Cup sa Meridan, Mexico mula sa isang panalo.

Tinalo ni Patrombon si Juan Carlos De Pedro ng Mexico, 6-1, 6-2, sa round of 64.

No. 6 sa torneo, si Pat­rombon na ranked 30 sa International Tennis Fede­ration (ITF), ay umabante sa round of 32 kontra sa mananalo sa pagitan nina Arturo Pacheco ng Costa Rica at Matias Sborowitz ng Chile.

Isang grade I event, ang mga bigating junior players sa mundo ay nagpatala sa kompetisyon sa pangu­ngu­na ni Juan Sebastian Gomez ng Colombia na siyang number player ng mundo.

Hanap ng 17-anyos na si Patrombon na mahigitan ang pagkapasok sa semifinals sa Asian/Oceania Closed Championship sa Jejudo, South Korea.

Lalahok rin si Patrombon sa doubles event para mapag-ibayo ang kanyang rankings bago matapos ang taong 2010.

ARTURO PACHECO

COSTA RICA

INTERNATIONAL TENNIS FEDE

JESON PATROMBON

JUAN CARLOS DE PEDRO

JUAN SEBASTIAN GOMEZ

MATIAS SBOROWITZ

OCEANIA CLOSED CHAMPIONSHIP

PATROMBON

SOUTH KOREA

YUCATAN WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with