Bobcats dumapa sa Heat

MIAMI--Kung off-night si Dwyane Wade, maaasahan ng Miami Heat sa huli sina LeBron James at Chris Bosh.

Umiskor si James ng 32 points, habang may 22 naman si Bosh bukod sa kanyang 14 rebounds para igiya ang Heat sa 95-87 panalo kontra Charlotte Bobcats.

“D-Wade was just a little bit off,” sabi ni James. “So me and CB had to step it up offensively.”

Tumipa si Wade ng 11 points para sa Heat, nagtayo ng isang 21-point lead sa second quarter bago naiwanan ng Bobcats, 82-80, mula sa three-point shot ni Stephen Jackson sa 4:56 ng fourth quarter.

Nagtuwang naman sina Bosh at James para ibi­gay ang huling 11 points ng Heat.

Ang short jumper ni James sa hu­ling 3:27 ay sapat na para sa panalo ng Miami.

Tumapos si Jackson na may 30 points para sa Charlotte, nakahugot rin ng 12 kay Nazr Mohammed at 10 kay Shaun Livingston.

Sa iba pang laro, kumulapso muna ang inilatag na 10-point lead ng Oklahoma City Thunder bago nila nagapi ang Boston Celtics, 89-84; hiniya ng Charlotte Hornets ang Cleveland Cavaliers, 108-101; pinadapa ng Washington Wizards ang Memphis Grizzlies, 89-86 at pinataob ng Philadelphia 76ers ang Milwaukee Bucks, 90-79.

Show comments