RP duathletes mapapalaban sa ITU Subic Duathlon Open

MANILA, Philippines –  Makilkilatis uli ang husay ng mga duathletes ng Pili­pinas sa paglarga ngayong umaga ng ITU Subic Bay Duathlon Open sa Subic Bay Event and Convention Center.

Sina August Benedicto at Monica Torres ang mga babandera sa Pambansang koponan sa kompetisyon sa elite division at masusukat dala ng paglahok din ng mga bigating manlalaro buhat sa ibang bansa.          

Ang Japan sa pangunguna ni Airi Sawada, ang 2009 Asian Duathlon Championships female champion na ginawa sa Subic din, ang babandera sa anim na lahok ng nasabing bansa habang ang Chinese Taipei at Malaysia ay nagpatala rin ng kinatawan.         

Ang karerang ito ay inorganisa ng Triathlon Asso­ciation of the Philippines katuwang ang Subic Bay Me­tropolitan Authority at ang mangungunang limang dua­thletes ay tatanggap ng torpeo at gantimpalang pi­nansyal sa organizers.,

Bukod dito ay kikilalanin ding Asian Champions ang mananalo sa elite male at female dahil ang kompetisyon ito ay idineklara rin ng Asian Triathlon Confederation bi­lang Asian Duathlon Championships matapos ‘di matuloy ang torneo sa Palembang, Indonesia noong Oktubre.

Show comments