^

PSN Palaro

Bronze lang kay Go

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ibinigay ni two-time Olym­pian Tsomlee Go ang lahat ng makakaya pero hindi sapat ito sa sinu­werteng si Lee Dae Hoon ng Korea upang makapag­hatid lamang ang Filipino jin ng bronze medal sa isi­nasagawang kampanya ng bansa sa 16th Asian Ga­mes sa Guangzhou, China.

Minalas na tinamaan si Go ng sipa mula sa 18-an­yos na katunggali sa extention para lasapin ang 5-4 kabiguan sa semifinals ng men’s under 63-kilogram division.

“Hindi ko inasahan na i­iskor siya pero dahil tuma­ma sa vest at kahit di umilaw ay awtomatikong puntos ito,” wika ng 29- anyos na si Go na noong 20­06 sa Doha ay nagbigay ng pilak na medalya.

Sumabak sa dalawang mahihirap na laban kontra kina Reza Naderian ng Iran at Khusray Giyosov ng Tajikistan na kanyang tinalo sa 9-7 at 11-3 iskor, nalaglag si Go sa 0-2 iskor matapos ang unang dalawang round.

Pero isang sipa sa ulo ng kalaban ay nagbigay ng 3-2 kalamangan ngunit hindi nakaiwas si Go sa mga palitan ng sipa upang matapos ang tatlong round sa 4-4 iskor.

Ang jin na makaunang makaiskor sa extension ang siyang hihiranging pa­nalo at minalas na nakauna ang Koreano para makaabante ito sa finals.

Masaya naman ako sa bronze medal dahil ito ang ibinigay sa akin ng Diyos at sobrang bless pa rin ako,” dagdag pa nito.

Ito ang unang medalya ng taekwondo pero may tat­lo pang manlalaro--sina John Paul Lizardo, Paolo Romero, at lady jin Kirstie Elaine Alora ang sasabak sa huling araw ng aksyon ngayon.

Umakyat na sa dalawang ginto, isang pilak at limang bronze medals ang Pilipinas na nasa ika-14 pu­westo sa medal stan­dings. Ang China ay patuloy ang paglayo sa 119 ginto, 48 pilak at 52 bronze medals habang ang South Korea na may 39-34-46 ang nasa ikalawa at Japan ang nasa ikatlo sa 24-48-51.

Ang Malaysia ang pina­kamahusay na Southeast Asian country sa kani­lang 3-3-4 medal count pa­ra sa ika-11 puwesto ha­bang ang Indonesia, na siyang host ng 2011 Southeast Asian Games, ang pumapa­ngalawa sa re­hiyon sa 2-4-9 medal tally para sa ika-12 puwesto.

Dalawang ginto at isang pilak ang napanalunan ng Indonesia sa larangan ng dragon boat na kung saan ang mga world champions na Filipino rowers ay hindi napasali.

Sa iba pang resulta, hindi naman kinaya ni Mi­guel Luis Tabuena ang na­unang matibay na laro nang magtala ng two-over par 74 sa ikatlong round sa apat na round sa golf.

Dahil dito, may kabu­uang 6-under par 210 stro­kes si Tabuena para ma­laglag sa ikalawang pu­westo kasunod ng 12-under par 204 ni Kim Meen Whee ng Korea.

Sa men’s team event, ang Pilipinas ay katabla nga­yon ang Thailand sa ika­lawang puwesto sa magkatulad na five over par 653 habang halos sel­yado na ng Korea ang gintong medalya sa 24-under par 624.

Sa tennis, nagsipanalo naman sina Fil-Am Cecil Mamiit at Treat Huey sa kanilang mga laban sa singles. Tinalo ni Mamiit si Martin Christopher Sayer ng Hong Kong, 7-5, 7-5, habang si Huey ay nangi­babaw kay Kumar Adhikari ng Nepal, 6-0, 6-1.

Sa shooting, bigo rin ang men’s TRAP shooters sa puntiryang medalya at luma­bas na si Jethro Dionisio ang may pinakamagandang pagtatapos sa pang-15th puwesto sa kabuuang 113 birds.  

ANG CHINA

ANG MALAYSIA

ASIAN GA

FIL-AM CECIL MAMIIT

HONG KONG

JETHRO DIONISIO

JOHN PAUL LIZARDO

KHUSRAY GIYOSOV

KIM MEEN WHEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with