Team Phl mabigat na laban ang haharapin vs Japan
GUANGZHOU - Nakatakdang harapin ng Smart Gilas Team Pilipinas ang Japan ngayong gabi matapos gitlain ang Qatar noong Miyerkules para sa tsansang makapasok sa Final Eight ng 16th Asian Games basketball competition.
Magtatapat ang mga Filipino cagers at Japanese dribblers sa alas-9:30 sa Huangpu Gymnasium.
Nagmula ang Smart Gilas sa 90-68, habang tinalo naman ng Japan ang back-to-back Fiba Asia champion Iran, 57-56.
“Japan really looks good but if we play as we did against Qatar, there would be no problem,” wika ni Smart Gilas Phl team manager Frankie Lim.
Tangan ng Japan ang 2-0 rekord sa Group F kasunod ang Smart Gilas (1-1), Iran (1-1), Qatar (1-1) at Chinese-Taipei (1-1).
“We hope to sustain our good shooting. If we can do that, we’ll get our game going and we can well compete against the Japanese,” ani Smart Gilas Phl operations chief Butch Antonio.
Ipaparada ni American coach Thomas Robert Wisman para sa Japan sina dating Phoenix Suns guard Yuta Tabuse at ang kambal na sina Joji at Kosuke Takeuchi.
Wala na sa lineup ng Japan si 7-foot-2 Behemoth Fumihiko Aono ngunit may apat na players namang may taas na 6-foot-7.
Tinalo na ng Japan ang Smart Gilas, ibinandera si American Marcus Douthit, 84-74, sa nakaraang Jones Cup.
Sa Fiba Asia championship (dating ABC championship), dalawang titulo na ang nakukuha ng mga Japanese subalit hindi na ito naulit matapos sumegunda sa Koreans sa 1997 meet sa Riyadh. Ang Illinois native na si Wisman ay dating nagmando sa British at Malaysian national teams.
- Latest
- Trending