^

PSN Palaro

Ayos na si Manny

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD - Matapos makakuha ng ‘clean bill of health’, agad na umalis si Manny Pacquiao sa Los Angeles para sa isang 45-minute flight na magda­dala sa kanya sa Lake Tahoe para sa isang concert ngayon.

Sumakay si Pac­quiao ng eroplano ganap na alas-8 ng gabi kasama ang kanyang asawang si Jinkee, ilang kaibigan at miyembro ng MP band.

Nauna rito, kumalat ang tsismis na isinugod si Pacquiao sa hospital dahilan sa sobrang sakit ng katawan 36 oras matapos ang kani­lang 12-round battle ni An­tonio Margarito noong Linggo sa Dallas.

Binugbog ni Pacquiao ang mas matangkad na si Margrito para sa kanyang unanimous decision win at angkinin ang kayang pang walong world title sa walong magkakaibang weight classes.

Sa kanyang pag-alis sa Dallas pabalik ng Los Ange­les, halos hindi maiga­law ni Pacquiao ang kanyang ka­­t­awan.

Nagulat naman ang adviser ni Pacquiao na si Mike Koncz sa naturang tsis­mis.

“It’s been blown out of proportion. Manny was not rushed to the hospital. He was brought to the hospital. There’s a big difference in those two words. He’s fine. No worries,” wika ni Koncz.

Ayon kay Koncz, si Pacquiao ay binisita ng kanyang personal physician mula sa Pilipinas na si Dr. Regina Bagsic sa kanyang mansyon sa Larchmont, Los Angeles.

May bandage si Pacquiao sa kanyang rib section habang tinitingnan ito ng naturang lady doctor.

DR. REGINA BAGSIC

KANYANG

KONCZ

LAKE TAHOE

LOS ANGE

LOS ANGELES

MIKE KONCZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with