Nationals susukatan ang Iran ngayon

GUANGZHOU--Sisi­mu­lan ng Smart Gilas Team Pilipinas ang pagsagupa sa mga bigating koponan sa Asya.

Sasagupain ng Natio­nals ni Serbian coach Raj­ko Toroman ang back-to-back Fiba Asia champion Iran ngayong alas-9:30 ng gabi.

Hindi pa tinatalo ng mga Filipino cagers ang mga Iranians sa nakaraang tatlong taon.  

Ang Iran ang nagkam­peon sa Fiba Asian noong 2007 at 2009.

Bagamat hindi maglalaro si Memphis Grizzlies’ center Hamed Haddadi, ipaparada naman ng Iran si 7-foot-4 center Jaber Rouzbahani bukod pa sa limang 6-foot-9 players.

Magbabalik rin si Iranian hotshot Samad Nikkhah Bahrami.

Ang 6’5 forward ay nag­tala ng average na 20 points sa 2008 Beijing Olympic Games.

Tinalo ng RP squad ni coach Chot Reyes ang Iran sa ilalim ni Toroman, 89-79, sa 2007 Jones Cup sa Taipei.

Nagbida sina James Yap, Jimmy Alapag, Mark Caguioa at Kelly Williams sa nasabing tagumpay ng Na­tionals.

Binalikan naman ng Iran ang RP squad sa Tianjin Fiba Asia.

Show comments