^

PSN Palaro

Unang gold ng RP pinagulong ni Rivera bronze naman kay Ong

-

GUANGZHOU--Binigyan ni Bowling World Cup bronze meda­list Engelberto Rivera ng maningning na panimula ang kampanya ng bowling team ng Pilipinas nang kunin niya ang ginto sa men’s singles sa idinadaos na 16th Asian Games sa Tianhe Bowling hall dito.

Ang 36-anyos na si Ri­vera ay nagtala ng 1,414 pins matapos ang anim na laro upang daigin ang hamong hatid ni Mohammed AMA Alrgeebah ng Kuwait na mayroong 1,404 pins.

Si Frederick Ong ng Pilipinas ang siya namang kumuha ng bronze medal sa nagawang 1,390 pins para matulungan ang bansa na makaangat na sa ika­siyam na puwesto sa me­dal standings tangan ang isang ginto at tatlong bronze medals.

Si Rivera ay nagtala ng 256, 196, 233, 225, 239 at 265 sa anim na laro para sa 235.7 average.

Ang 2006 World Mas­ters champion ay napa­sama sa 52 bowlers na na­sabak agad sa kompetisyon sa umaga habang sina Mohammed at Ong ay kabilang naman sa 49 bow­lers na naglaro kinaha­punan.

Sa format ng kompetis­yon, ang tatlong bowlers na may pinakamataas na iskor sa lahat ng mga kasali ang bibigyan ng ginto, pilak at bronze medal.

Ang gintong medalya ay nagtiyak na hindi mauulit sa bowling team ang nangyari sa 2006 Doha Games nang nabokya sa ginto ang ipinadalang delegasyon.

Huling ginto ng Pilipinas sa tuwing ikaapat na taong kompetisyon ay nanggaling kina Paeng Nepomuceno at RJ Bautista sa men’s doubles noong 2002 sa Bu­san Korea.

Dahil nakapaghatid ng ginto, si Rivera, na nasa kanyang huling Asian Ga­mes ay tatanggap din ng P1 milyon pisong gantimpala mula sa pamahalaan dahil sa naibigay na kara­ngalan.

Si Mohammed ay nag­tala ng averages na 234 sa anim na laro na kina­tampukan ng 265, 247, 233, 279, 194 at 186. Ang pag­bagsak sa pulso ni Mo­hammed sa huling dala­wang game ang siyang nagresulta upang malagay ito sa silver medal.

Si Ong ay may 236, 248, 246, 199, 226 at 235 para sa 231.7 pins average tungo sa bronze medal.

“Magandang panimula ang ibinigay ni Biboy sa atin and hopefully ay mayroon pang dumating na ginto sa iba pang mga events,” wika ni coach Jojo Canare.

Ang mga kababaihan naman ang magpapakitang-gilas ngayon at ang bansa ay ibabandera nina Liza Clutario, Liza Del Rosario, Kimberly Lao, Lara Posadas, Marianne Daisy Posadas at Krizziah Lyn Tabora.

May 12 gintong medal­ya ang pinaglalabanan sa bowling at bukod sa singles ay gagawin pa ang Doubles, Trios, Team of Five, All Events at Masters sa magkabilang dibisyon.

Ang China pa rin ang nangunguna sa medal race sa 50-19-19 kasunod ang Korea na mayroong 18-13-16 at Japan na mayroong 13-24-21.

Ang Pilipinas ang lumalabas ngayon bilang number two sa hanay ng mga bansa sa South East Asia at ang nakaungos lamang sa koponan ay ang Malaysia na nasa ikawalong puwesto.

Parehong may tig-isang ginto ang Pilipinas at Malaysia pero may isang pilak sila at isang bronze medal.

ALL EVENTS

ANG CHINA

ANG PILIPINAS

ASIAN GA

ASIAN GAMES

BOWLING WORLD CUP

DOHA GAMES

GINTO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with