^

PSN Palaro

Atletang sumabak sa unang araw ng kompetisyon sa ASIAD sibak na: Kampanya ng RP lumaylay agad

- Ni Gerry Carpio -

GUANGZHOU, Guangdong, China--Kaagad na nasibak ang mga national soft tennis players, swimmers at judoka sa unang araw ng 16th Asian Games dito kahapon.

Matapos manalo sina Giovanni Mamawal, Mikoff Manduriao, Sanuel Noguit at ang magkapatid na Jhomar at Joseph Arcilla sa India, 3-0, at Nepal, 3-0, natalo naman sila sa Korea, 0-3 sa Group B sa men’s class sa soft tennis competition.

Kailangan nilang manalo sa Chinese Taipei (3-0) para makatulak ng isang three-way tie ang men’s team.

Yumukod naman ang women’s team sa Japan, Chinese Taipei at Korea.

Sa kanilang kabiguan sa Japan, sumuko ang dou­bles pair nina Deena Rose Cruz at Cheryl Macasera kina Sugimoto Hitomi at Morihara Kana, 4-0, 0-4, 2-4, 4-6, 0-4, 3-5.

Natalo naman si Noelle Zoleta kay Eri Uehara, 2-4, 4-2, 1-4, 2-4, 2-4, at yumu­kod ang top soft tennis pla­yer na sina Josephine Paguyo at Divina Gracia Escala kina Sasaki Mai at Oba Ayaka, 0-4, 2-4, 0-4, 2-4, 0-4.

Sina Cheng Chu Ling at Chu Yun Hsuan ng Chinese-Taipei ang nagpabagsak kina Macasera at Cruz, 4-2, 4-1, 5-3, 4-1, 4-0, at si Chiang Wang Chi ang gumupo kay Zoleta, 4-0, 4-2, 4-1, 4-1.

Umabante ang Chinese Taipei at Japan sa semifinal round kasama ang Korea at China

Sa swimming, hindi na­man umubra ang ilang Uni­ted States-based swimmers ni Mark Joseph nang matalo sa heats.

Nagtala si Fil-Am Erica Totten ng oras na 2:04.97 para tumapos bilang No. 9 sa heats ng 200m freestyle.

Pumuwesto naman sa No. 7 si Jasmine Alkhaldi sa first heat at tumapos bilang 15th overall sa kanyang tiyempong 2:7.6.88.

Si Thailand bet Junhgra­jang Natthanan ang nakapasok sa finals sa kanyang fourth-best time na 2:03.20.

Hindi naman sumabak si individual medley specia­list Miguel Molina sa 400 IM para makalangoy sa 200 IM ngayong hapon.

Sa judo, tinalo ni Olympic champion Yang Xiuli ng China si Filipina Ruth Dugaduga, habang nabigo si Fil-Japanese Kenji Yahat kay Mahjoub Javad ng Iran.

Makakaharap naman ni John Baylon si Kim JB ng Korea.

Sa men’s 10m air rifle preliminaries, pumutok si Jason Baylon ng 585 points (24th place) na nagpatalsik sa kanya sa medal round.

Sa Guangzhou velodrome, tumapos si Apryl Eppinger na pang siyam sa women’s 500m time trials sa kanyang oras na 37.324 segundo.

Nakatikim rin ng ka­biguan si billiards player Reynaldo Grandea kay Paprut Chaithansakun ng Chinese-Taipei, 3-1, sa first round ng English billiards singles.

“We are from diffe­rent countries, so we have qui­te different technical skills which is the reason this match is so difficult. He is a terrific player whom I appreciate very much,” sa­bi ng Taiwanese kay Gran­­dea.

APRYL EPPINGER

ASIAN GAMES

CHERYL MACASERA

CHIANG WANG CHI

CHINESE TAIPEI

CHINESE-TAIPEI

CHU YUN HSUAN

DEENA ROSE CRUZ

DIVINA GRACIA ESCALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with