DALLAS--Ito ang perfect ending para kay Robert Garcia.
“I want Freddie Roach and Manny Pacquiao coming to me after the fight,” sabi ng chief trainer ni Antonio Margarito.
Ngunit ito ay para hindi pakalmahin sina Garcia, Margarito o ang kanilang buong Mexican camp.
“I want them to shake my hand for the good work that we’ve done,” wika ni Garcia.
Umaasa ang dating fighter na si Margarito ang mananalo laban kay Pacquiao sa kanilang salpukan ngayon.
“I want the best Manny Pacquiao on Saturday because I want that credit,” ani Garcia.
Idinagdag pa ni Garcia na nagsawa na siya sa mga istorya ukol sa pagkawala ni Pacquiao sa focus dahilan sa kanyang pagiging Congressman ng Sarangani.