May panalo ba si Antonio kay Manny?
MANILA, Philippines – May ipapanalo ba si Antonio Margarito kay Manny Pacquiao?
Kung ang mga batikang boksingero at trainers ang tatanungin, malabong manalo ang 5’11 na si Margarito sa 5’6” na si Pacquiao sa tagisang gagawin ngayon sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas.
Sina dating junior lightweight champion Yuri Foreman, WBC welterweight champion at posibleng makalaban pa ni Pacquiao na si Andre Berto, WBC at IBF jr welterweight champion Devon Alexander ang ilan sa mga tinitingala sa mundo ng pro boxing na nasasabing mananalo si Pacquiao gamit ang kanyang bilis.
“Pacquiao definitely has the advantage in speed but Margarito is going to apply tremendous pressure so it’s going to be a great fight. I think Pacquiao’s speed is eventually going to win out and he will come out with the victory,” wika ni Berto.
Maging si Joshua Clottey na tinalo nga ni Pacquiao sa nasabing venue noong Marso ay halos garantiyahin na ang panalo ng Pambansang kamao.
“I can tell by the interviews that Margarito thinks Pacquiao doesn’t have the power because he is so small. But he does have the power,” banggit ni Clottey.
Dahil sa mga malarapidong suntok ni Pacquiao ay iindahin ito ni Margarito habang tumatagal ang laban at ito ang kanyang ikatatalo o ikatutumba.
Ang two-time BWAA Trainer of the Year na si Dan Birmingham din ay pabor kay Pacquiao at ang kanyang pinagbabasehan ay ang tila pangangapa ni Margarito kapag ang kalaban ay isang kaliwete na mabilis kung kumilos.
“His constant movement and work rate will be too much for Margarito. Margarito is strong and well conditioned, good chin, but he has problems with movers and quickness. My pick is Pac by stoppage by the ninth round,” wika nito.
Ang batikang trainer na si Freddie Roach ay kumbinsidung-kumbinsido na madaling laban ito kay Pacquiao at ang dating inihayag na KO win sa 8th o 9th round ay tinaasan pa nang sabihin nitong aayaw si Margarito sa laban.
“I think we will overwhelm him with the punches will land on him with his fast hands and combinations. Margarito throws a lot of punches and he makes too many mistakes to beat us. He has bad habits and we’re going to take advantage of all of them,” pagtitiyak pa ni Roach.
Ang laban ay para sa bakanteng WBC junior middleweight title na inilagay sa catch weight na 150-pounds.
- Latest
- Trending