DALLAS--Nasa hustong kondisyon at timbang na si Manny Pacquiao para sa kanilang official weigh-in ngayong araw.
Si Antonio Margarito naman ay may problema sa pagkuha ng timbang, ayon kay Alex Ariza, ang strength and conditioning coach ni Pacquiao.
Ito, ayon pa kay Ariza, ay magandang balita para kay Pacquiao.
“He looked terrible to me. He looked like he left everything in the ring,” sabi ni Ariza kay Margarito, palagiang nakasuot ng sweatsuit sa kanyang mga ensayo.
Sinabi ni Ariza na lubhang nahihirapan ang 5-foot-11 Mexican na makuha ang catchweight na 150 lbs.
“If you are close to the weight and you’re not having problems in camp, you don’t go running at eight o’clock at night,” sabi ni Ariza.
Samantala, panahon na para mag-focus at lumaban sa loob ng ring.
“They apologized and I accepted their apology,” sabi ni Freddie Roach ukol sa kampo ni Margarito na nakita sa video na ginagaya ang legendary trainer at ang kanyang Parkinsons disease.
Kamakalawa ay napanood ni Roach ang naturang video na nagpakita kay Margarito, kanyang trainer na si Robert Garcia at stablemate Brandon Rios na nagkakatuwaan sa kanilang gym.
At ito ay dahil sa panggagaya nina Margarito at Rios sa galaw ni Roach.