^

PSN Palaro

Basta naka-pokus sa gameplan

- Ni Acodero -

DALLAS--Magiging madali ang laban kung mag­popokus si Manny Pacquiao sa kanilang game­plan.

Ito ang ipinagdarasal ni Freddie Roach na gagawin ni Pacquiao.

At dahil kung hindi, asahan na ang bagay na hindi dapat asahan bukas sa Cowboys Stadium.

“I said this is an easy fight for us if we stick to the gameplan,” sabi ni Roach sa mga Pinoy scribes bago ang light at fun workout ni Pacquiao sa isa sa mga giant exhibit halls sa Gaylord Texan Hotel dito.

Sinabi ni Roach na alam na nila ni Pacquiao ang gagawin kay Antonio Margarito para manalo.

“He knows what to do in any situation,” sambit ni Roach.

“If we stick the gameplan we won’t lose one se­cond of the fight. I tell you we’ll dominate the fight and knock him out late in the fight,” dagdag pa ni Roach. “I’m very confident about Manny. He looks very good. He looks relaxed.”

Ayon kay Roach nata­galan si Pacquiao na ma­kuha ang kanyang tip-top shape dahilan sa nagdaang bagyo sa Pilipinas at ilang istorbo dahilan sa pulitika.

Ngunit nang tumuntong si Pacquiao sa Los Angeles dalawang linggo na ang nakararaan, konting pana­hon lamang ang kanyang kinailangan.

“From Baguio until now was a huge difference. The three weeks in America was great for him, his concentration level, his focus is a hundred percent better. His boxing was better. Everything is better,” wika ni Roach.

Bagamat may ilang pagkakataon na nagtungo si Pacquiao sa isang political gig sa Las Vegas at sa Hollywood para sa Jimmy Kimmel Show, tuluy-tuloy naman siya sa pag-eensayo.

“I know that we can beat this guy if we fight the perfect gameplan and we need to do that to win,” ani pa ni Roach.

Isang araw bago ang laban, pinayagan na ni Roach si Pacquiao na mag­dahan-dahan sa ensayo.

ANTONIO MARGARITO

COWBOYS STADIUM

FREDDIE ROACH

FROM BAGUIO

GAYLORD TEXAN HOTEL

JIMMY KIMMEL SHOW

LAS VEGAS

LOS ANGELES

PACQUIAO

ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with