^

PSN Palaro

Dating trainer idinepensa ang Mexican fighter kaugnay sa kontrobersyal na handwraps

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nilinis ni trainer Javier Capetillo ang pangalan ni Antonio Margarito patungkol sa pagkakatuklas ng illegal na bagay na nakasingit sa balot ng kamay ng nasabing boksingero nang kinaharap at natalo kay Sugar Shane Mosley noong 2009.

Inako ni Capetillo, na dating humawak sa Mexican boxer, ang lahat ng responsibilidad sa nangyari na ayon din sa kanya ay hindi naman niya sinadya.

“I made a mistake. I wasn’t trying to hide anything. I just screwed up,” wika ni Capetillo ssa panayam ng Boxing Fanhouse.

Ginawa niya ang bagay na iyon dahil alam niyang walang kapana-panalo si Margarito kay Mosley dahil nga sa labis na pagpapayat upang maabot ang timbang ng sagupaan.

“I was just under a lot of pressure. I knew Tony was in trouble and I knew that I had put him in that position,” dagdag pa nito.

Kasabay nito ay isinantabi rin ni Capetillo ang mga haka-haka na nandaya rin si Margarito nang tinalo sina Kermit Cintron at Miguel Cotto.

Aniya, bagay sa istilo ni Margarito ang dalawang boksingerong ito kaya’t tinalo niya ito ng kumbinsido.

Ang paglabas ni Capetillo ay upang mawakasan na ang usaping nandaya si Margarito bagay na ibinabato nina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach.

Sina Pacquiao at Margarito ay magtutuos sa Sabado (Linggo sa bansa) sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas para sa bakanteng WBC junior middleweight title.

Sinabi ni Roach na sasaksihan niya ang gagawing pagbalot sa kamay ni Margarito upang matiyak na malinis ang 5’11” boksingero pagsampa ng ring.

 Inalis na si Capetillo at ipinalit sa kanya si Robert Garcia. 

ANTONIO MARGARITO

BOXING FANHOUSE

CAPETILLO

FREDDIE ROACH

JAVIER CAPETILLO

KERMIT CINTRON

MARGARITO

MIGUEL COTTO

ROBERT GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with