Pacman 100% handa na

DALLAS - Tumakbo si Manny Pacquiao sa isang malamig na umaga at nakipag-spar ng apat na rounds sa hapon para sa kanyang final training sa Wild Card Gym.

Alas-10 ng gabi ay nasa suite na si Pacquiao sa Gaylord Texan Hotel.

“Totally ready na tayo sa fight,” sabi ni Pacquiao, kumuha ng isang chartered two-and-a-half-hour flight mula sa LAX patungo dito sa tahanan ng football team na Dallas Cowboys.

Sinabi na ni chief trainer Freddie Roach na handang-handa na si Pacquiao para makalaban si Antonio Margarito sa Linggo at inaasahan niyang mapapabagsak ito ni “Pacman”.

“Hindi naman magsisinungaling ‘yan eh. Siya ang mapapahiya at tayo,” wika ng Filipino boxing icon.

“The hard work’s done. He knows how to win this fight,” naunang sabi ni Roach kamakalawa.

Ang delegasyon ni Pacquiao na binubuo ng 188 tao ay sumakay sa Boeing 757 na nirentahan ng Congressman ng Sarangani sa halos $100,000.

Kasama sa grupo ang pamilya ni Pacquiao, ang kanyang mga team members, sina boxers Amir Khan, Julio Cesar Chavez Jr. at Gerry Peñalosa.

Ang naturang delegasyon ay mas malaki pa sa 10 baseball teams.

Bago sumakay sa eroplano, sumailalim muna ang lahat sa security check at ginamitan sila ng handheld metal detectors.

Tanging si Pacquiao at asawang si Jinkee ang hindi dumaan sa routine check.

Nakipag-spar si Pac­quiao ng apat na rounds kay Dave Rodela sa kanyang pagdating dito.

“Kailangan kasi ready tayo sa lahat ng puwedeng mangyari sa ring,” sabi ni Pacquiao.

Ngayong araw nakatakdang gawin ang final press conference kasunod ang isang round-table discussions sa hanay ng media at trainers ng magkabilang kampo at sa Biyernes ang official weigh-in.

Show comments