^

PSN Palaro

Mommy D. sa ringside na manonood

- Ni ACordero -

HOLLYWOOD--Para maiba, makikita na si Mommy Dionisia sa ringside sa fight night.

Ang ina ng ‘pound-for-pound’ champion na si Manny Pacquiao ay nagdesis­yon na panoorin ng personal ang laban ng kanyang anak kay Antonio Margarito sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Si Mommy Dionisia ay palagiang nas­a laban ni Pacquiao sa United States, ngunit ang laban ng anak ay kanyang pinapanood sa kanyang hotel.

“Ayoko na maiwan sa hotel. Manonood na ako doon,” wika ni Mommy Dionisia.

Sa mga nakaraang laban ni Pacquiao, tinutukan lamang ito ni Mommy Dio­nisia sa telebisyon hawak ang kanyang rosaryo at ipinagdarasal ang panalo ng kanyang anak.

Ayon sa kanya, ito lamang ang ikalawang pagkakataon na panonoorin niya ang laban ni Pacquiao ng personal sa ringside.

 “Matagal na ‘yun. First round knockout,” ani Mommy Dionisia sa isang Ross outlet. Hindi naman siya nag-aalala sa laban ni Pacquiao kay Margarito.

“Okay lang. Basta okay siya, okay ako,” sabi ni Mommy Dionisia, suot ang kanyang mamahaling Rolex watch sa kanyang shopping spree sa Ross.  

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

AYOKO

COWBOYS STADIUM

KANYANG

MOMMY DIO

MOMMY DIONISIA

PACQUIAO

SI MOMMY DIONISIA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with