^

PSN Palaro

RP Patriots bigo sa Barracudas

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Nangapa ang Philippine Patriots sa pormang naghatid sa kanila ng limang panalo upang lasapin ang 56-71 pagkatalo sa Brunei Barracudas sa Air Asia Asian Basketball League (ABL) Season 2 noong Sabado sa Brunei Indoor Stadium sa Brunei.

Hindi nadepensahan ng tropa ni coach Louie Alas ang mainit na paglalaro nina Fil-Am import Ramsey Williams at Chris Commons habang wala ring kinang ang opensa ng Patriots para malaglag sa 5-1 karta.

May 23 puntos si Williams habang 20 puntos, 7 rebounds, at tig-apat na steals at blocks ang ginawa ni Commons para mawakasan ang dalawang sunod na kabiguan ng Barracudas sa Patriots tungo sa 2-4 baraha.

“Mahina ang simula namin. At kahit nagsikap kaming bumawi, hindi naman namin mapanatili ang momentum,” wika ni Pat­riots coach Louie Alas.

Sina Egay Billones at import Donald Little ang nagsikap na ibangon ang laro ng Patriots sa ginawang 19 at 11 puntos. May 12 rebounds din ang 6’10” import na mag-isa pa ring binalikat ang koponan nang pakawalan na ng koponan si Anthony Johnson na may iniindang hamstring injury.

Sunod na makakaharap ng Patriots ang Singapore Slingers sa Singapore.

vuukle comment

AIR ASIA ASIAN BASKETBALL LEAGUE

ANTHONY JOHNSON

BRUNEI BARRACUDAS

BRUNEI INDOOR STADIUM

CHRIS COMMONS

DONALD LITTLE

LOUIE ALAS

PHILIPPINE PATRIOTS

RAMSEY WILLIAMS

SINA EGAY BILLONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with