Mikee flag bearer sa Guangzhou Asiad
MANILA, Philippines - Itinalaga si Busan Asian Games gold medalist Mikee Cojuangco Jaworski bilang flag bearer ng Pambansang koponan na lalahok sa Asian Games sa Guangzhou China.
Si Cojuangco-Jaworski na anak ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr. ay ninombra ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia para sa posisyon at tinanggap lamang ng dating moviestar ang puwesto nang marinig ang kawalan ng pagtutol sa ibang atletang dumalo sa Send Off Party nitong Biyernes sa Philsports Arena sa Pasig City.
Si Mikee na may tatlong anak na kay Robert “Dudut” Jaworski, ang ikalawang sports personality na nailagay bilang Flag Bearer sa isang pambansang delegasyon na hindi maglalaro sa koponan.
Nauna na rito ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao na siyang tumayo sa puwesto nang lumahok ang Pilipinas sa 2008 Beijing Olympics.
- Latest
- Trending