CHICAGO - Nagsalpak ang New York Knicks ng 16 of 24 3-point attempts para talunin ang Chicago Bulls, 120-112.
Umiskor si Toney Douglas ng career-high 30 points, tampok rito ang 5-of-9 sa 3-point range, habang nagdagdag ng 24 points si Danilo Gallinari kasama ang apat na tres.
Kinuha ng Knicks ang isang 21-point lead patungo sa 70-52 pagbaon sa Bulls sa halftime.
Ang Chicago ay pinangunahan ni Derrick Rose na may 24 points at 14 assists ngunit iniupo na sa 9:31 ng fourth quarter.
Sa Portland, tumipa sina Kevin Durant at Russell Westbrook ng tig-28 points at 11 rebounds para tulungan ang Oklahoma City sa 107-106 panalo kontra Portland sa overtime.
Nagbida si LaMarcus Aldridge para sa Trail Blazers sa kanyang 22 points, habang may 19 si Brandon Roy.
Nagmintis si Roy ng dalawang key jump shots sa pagtatapos ng regulation at hindi na nakahabol pa ang Blazers nang kumawala angThunder sa overtime.
Inihatid ni James Har-den ang Thunder sa 103-100 pangunguna sa extra period sa pamamagitan ng lay-up at isang free-throw. Umiskor sina Durant at Westbrook ng tig-isang free throw, 13 segundo na lang ang natitira sa oras para balewalain ang tres ni Armon Johnson sa huling segundo ng labanan.