^

PSN Palaro

Patrombon humataw ng 2 panalo, Patrimonio kumakasa pa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lumabas ang init ng paglalaro ni Filipino netter Je­son Patrombon nang ma­nalo ito sa dalawang laro habang si Anna Charice Patrimonio naman ay hu­mablot din ng panalo na pawang nangyari sa pag­pa­patuloy ng Seogwipp Asian/Oceania Closed Cham­pionships sa Jeju-do, South Korea.

Nagpakita ng mas ma­­­tibay na paglalaro si Pa­trom­­bon nang kinaharap ang pambato ng Korea na si Hogi Kang para sa 6-2, 6-4, panalo sa round of 32 na sagupaan sa boy’s singles.

Ang tagumpay ay nag­tulak sa second seed na si Patrombon na maitakda ang pagkikita nila ni Cu-uang Ting-yu ng Chinese Taipei na hiniya ang 16th seed na si JordanThompson ng Australia, 6-1, 6-0.

Di tulad sa unang laro laban kay Rishabdev Raman ng India na kanya rin tinalo, 6-4, 6-3, sa first round, mas nakasanayan na ni Patrombon ang malakas na hangin habang pi­natahimik naman ang mga manonood na pabor kay Kang sa paghataw ng mga winners.

Matapos ito ay nakipagtambal naman si Patrombon kay Jarin Grinter ng New Zealand at ang kanilang unang tambalan ay nagresulta sa 6-1, 6-2, pa-nalo laban sa magkaparehang sina James Hong ng Hong Kong at Siyu Liu ng China sa pagbubukas ng doubles competition.

Umabante ang third seeds sa round of 16 laban kina Kim Ho Gak at Kim Yun na umiskor ng 6-4, 6-2, panalo laban kay Kim Sung Hun ng Korea at Roy Zeidan ng Lebanon.

Ang pambato naman sa kababaihan na si Patrimonio na nasibak sa unang laro sa girls singles ay nakaabante sa second round sa doubles nang nagbunga ang tambalan nila ni Ai Wen Zhu ng China ng 6-2, 6-3, tagumpay laban kina Jeong Yeong Won at Kim Da Hye ng Korea.

AI WEN ZHU

ANNA CHARICE PATRIMONIO

CHINESE TAIPEI

HOGI KANG

HONG KONG

JAMES HONG

JARIN GRINTER

JEONG YEONG WON

PATROMBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with