^

PSN Palaro

Patrombon wagi, Patrimonio nasibak na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang second seed at Filipino junior netter na si Jeson Patrombon bago nito naigupo si Rishabdev Raman ng India, 6-4, 6-3, sa pagsisimula ng Seogwipo Asia-Oceania Closed Championships sa Jejudo, South Korea.

Matindi ang lamig dala ng malakas na pag-ihip ng hangin ngunit gumawa ng mga adjustments si Pa­trombon sa kanyang mga palo upang makuha ang mga mahahalagang puntos para manalo sa round of 64 match.

Sunod niyang kakaha­rapin si Hogi Kang ng Korean na pinatalsik si Shukhrat Gizatulin ng Uzbekistan, 6-0, 6-1.

Hindi naman pinalad ang number one manlalaro ng bansa sa kababaihan na si Anna Clarice Patrimonio nang matalo siya kay 16th seeds Kanami Tsuj ng Japan, 1-6, 4-6.          

Sa pagkatalong ito, sa doubles na lamang magpo-focus si Patrimonio at katambal niya si Zhu Ai ng China na babangga kina Jeong Yeong Won at Kim Da Hye ng Korea.

Si Patrombon ay mag­lalaro rin sa doubles at ka­tambal niya sa unang pagkakataon si Jaden Grin­ter ng New Zealand na susukatin ang husay ng gaya nilang unseeded na sina James Kong ng Hong Kong at Siyu Liu ng China.

ANNA CLARICE PATRIMONIO

HOGI KANG

HONG KONG

JADEN GRIN

JAMES KONG

JEONG YEONG WON

JESON PATROMBON

KANAMI TSUJ

KIM DA HYE

NEW ZEALAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with