^

PSN Palaro

Hawks wala pa ring talo sa East

-

CLEVELAND - May isa na lamang perfect team sa Eastern Conference.

Umiskor si Marvin Williams ng 22 points, habang nagdagdag naman si Al Horford 16 points at 12 re­­bounds para panguna­han ang Atlanta Hawks sa 100-88 paggupo sa Cle­veland Cavaliers para sa kani­lang ikaapat na sunod na panalo.

Nag-ambag si Jamal Crawford ng 16 points kasunod ang tig-15 nina Joe Johnson at Mike Bibby.’

Kasabay ng pagtatayo ng kanilang 3-0 marka sa road games, tinapos rin ng Hawks ang kanilang six-game losing skid sa Cle­veland.

Gumawa naman si J.J. Hickson ng career-high 31 points at tinawag na “M-V-P” ng mga Cleveland fans.

Tumipa si Mo Williams ng 12 sa kanyang season debut para sa Cavs.

Nagbalik si Williams ma­tapos iupo ang tatlong laro dahilan sa kanyang groin injury. Hindi rin nakalaro para sa Cleveland si forward Antawn Jamison na may sore knee.

Sa Miami, itinakas ng host team ang kanilang ikapat na sunod na panalo sa pamamagitan ng pag­hiya sa Minnesota Timberwolves, 129-97.

Tumapos si Dwyane Wade ng 26 puntos habang nagsumite naman si Le­Bron James ng 20 pun­tos at game-high 12 as­sists.

Sa Auburn Hills, Michigan, naglista si Rajon Rondo ng siyam na puntos at 17 assists at pamunuan ang Celtics sa 109-86 paggiba sa Detroit Pistons.

Sa Washington, pinatunayan ni John Wall na mas matikas siya kumpara sa kapwa top picks ngayong taong draf nang kanyang banderahan ang Wizards sa 116-115 paglusot kontra sa Philadelphia 76ers sa kanilang unang paghaha­rap.

Sa Milwaukee, pinayuko ng Portland ang Bucks sa iskor na 90-76 at tapusin ang kanilang four-game road trip sa isang maning­ning na panalo.

vuukle comment

AL HORFORD

ANTAWN JAMISON

ATLANTA HAWKS

BRON JAMES

CLE

DETROIT PISTONS

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

JAMAL CRAWFORD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with