Air21 bumangon
MANILA, Philippines - Natunghayan ang matinik na shootout nina Ronjay Buenafe at Gary David.
Ngunit sa huli, si Buenafe ang nakakuha ng panalo matapos tulungan ang Air21 sa malaking 102-95 tagumpay kontra Powerade sa elimination round ng PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Nagtala si Buenafe ng personal conference-high 28 points, tampok rito ang 11 sa final canto, para sa Express ni coach Yeng Guiao.
May 3-3 rekord nagyon ang Air21 katabla ang Alaska sa ilalim ng San Miguel (5-1), Talk ‘N Text (5-1) at Barangay Ginebra (4-2) kasunod ang Powerade (3-4), Rain or Shine (3-4), Barako Bull (2-4) at nagdedepensang Derby Ace (1-5).
Kasalukuyan pang naglalaro ang Beermen, hangad ang kanilang pang limang sunod na arangkada sa ilalim ni rookie coach Ato Agustin, at Bolts.
Mula sa isang 14-point lead, 69-55, ng Tigers, nanguna si Buenafe sa pagbangon ng Express para makadikit sa 68-69 agwat sa 1:55 ng third period.
Ang dalawang basket nina Buenafe at No. 1 overall pick Nonoy Baclao ang nagbigay sa Air21 ng unahan, 93-87, sa 4:45 ng fourth quarter matapos ang 82-78 bentahe ng Powerade.
“I just thought they relaxed a little bit that gave that small opportunity to come back,” wika ni Guiao sa Tigers ni mentor Bo Perasol, nakahugot ng 28 points kay David.
Nagdagdag si JR Quinahan ng 19 points para sa Express, habang may 10 naman si Wesley Gonzales.’
Umiskor si Norman Gonzales ng 16 points para suportahan si David kasunod ang 12 ni Mark Macapagal.
Samantala, dinala ng Meralco si Dennis Daa sa Barako Bulls kapalit ni Hanz Thiele.
Ang 6’3 na si Thiele ay isa sa dalawang aspirante na hindi nakuha sa nakaraang 2010 PBA Rookie Draft.
Air21 102 - Buenafe 28, Quinahan 19, Gonzales 10, Matias 9, Al Hussaini 7, Najorda 7, Baclao 6, Urbiztondo 4, Sharma 4, Arboleda 4, Guevarra 2, Rodriguez 2.
Powerade 95 - David 28, Gonzales 16, Macapagal 12, Espino 9, Reyes R. 7, Lanete 6, Laure 6, Ritualo 6, Rizada 3, Calimag 2, Reyes J. 0, Allera 0, Enrile 0.
Quarters: 11-17, 41-47, 68-71, 102-95.
- Latest
- Trending