^

PSN Palaro

SBP naghihintay pa rin ng sagot mula sa FIBA Asia/OCA

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hanggang sa ngayon ay naghihintay pa ang Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng kasagutan mula sa FIBA-Asia at Olym­pic Council of Asia (OCA) ukol sa kanilang unang makakaharap para sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ito ay matapos umatras ang Saudi Arabia at Kuwait sa men’s basketball competition ng nasabing quadrennial event na nakatakda sa Nobyembre 12-27.

“We have sought clarification from FIBA-Asia, pero wala pa kaming nakukuhang sagot sa kanila,” sabi kahapon ni SBP exeuctive director Noli Eala sa ling­guhang PSA forum sa Shakey’s sa U.N. Avenue, Manila.

Sa pag-atras ng Saudi Arabia at Kuwait, inihayag ng FIBA-Asia na hahatiin na lamang sa dalawang gru­po ang maglalaban sa preliminary rounds.

 Ang Saudi Arabia sana ang unang makakatagpo ng Smart Gilas sa first round.

Kasama ng Nationals sa Group A ang Kuwait, Hong Kong at North Korea, habang nasa Group B naman ang Turkmenis­tan, Mongolia, India at Afghanis­tan.

Ang pitong koponan ay maglalaban para sa apat na silya sa susunod na round.

Matapos ang isang si­ngle round robin, ang top two teams sa bawat grupo ang aabante sa tournament pro­per kung saan naghihintay ang host China, South Korea, Uzbekistan, Jordan, Chinese-Taipei, Iran, Japan at Qatar.

ANG SAUDI ARABIA

ASIAN GAMES

COUNCIL OF ASIA

GROUP A

GROUP B

HONG KONG

NOLI EALA

NORTH KOREA

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with