^

PSN Palaro

Buwenamanong panalo sinakmal ng Sharks

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Binuksan ng nagdede­pensang kampeon na Manila Sharks ang kampanya sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VII sa pamamagitan ng 5-4 pa­nalo sa Cebu Dolphins ka­hapon sa Felino Marcelino Memorial Field sa Taguig City.

Sinandalan ng Sharks ang pagkakasalo ng bagitong first baseman Paco Tantuico sa sana’y hit ni Mig­gy Corcuera upang ma­kolekta ang ikatlong out sa huling inning at ma­ipreserba ang isang run na kalama­ngan tungo sa 1-0 karta.

Bago ang pagpalo ni Corcuera ay nakatungtong sa second and first bases sina Fulgencio Rances at Jonash Ponce upang ma­kapanakot na makatabla o makalamang pa sa hu­ling palo sa top of the ninth inning.

 “Isa siyang 16-year old at kinuha ko siya dahil alam ko ang kanyang husay da­hil naglaro siya sa Alabang sa Junior Baseball. Siya ang masasabi kong steal sa draft,” wika ni Manila team manager Jhoel Palanog.

Kuminang din sa panalong ito ang beteranong pitcher na si Charlie Labrador at slugger Marvin Malig para mapangatawanan ng Sharks ang 2-1 panalo sa Dolphis sa finals ng Series VI sa torneong inorganisa ng Community Sports Inc. at suportado ng Dunkin’ Donuts.

Si Labrador ay puma­sok sa fourth inning para halinhinan si Roy Baclay na nagbigay ng tatlong ma­agang runs sa unang inning, at nilimitahan nito ang Dolphins sa isang run sa anim na hits bukod sa pitong strikeouts.

CEBU DOLPHINS

CHARLIE LABRADOR

COMMUNITY SPORTS INC

CORCUERA

DONUTS BASEBALL PHILIPPINES SERIES

DUNKIN

FELINO MARCELINO MEMORIAL FIELD

FULGENCIO RANCES

JHOEL PALANOG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with