^

PSN Palaro

Heat inalpasan ang Magic

-

MIAMI--Umiskor ang Miami Heat ng unang 14 pun­tos sa second half upang isara ang laro laban sa Orlando Magic sa isang one-sided 96-70 panalo sa NBA nitong Biyernes.

Tumapos si Dwyane Wade ng 26 puntos sa ho­me opener ng Miami, habang naglista naman si LeBron James ng 15 puntos at 7 assists.

Sa labang ito, unti-unti nang ipinakikita ng Big Three ng Miami ang kanilang bangis kung saan nalimita nila ang Orlando sa lowest point total mula noong 2005.

Sa New Orleans, na­nanatiling wala pa ring talo ang rookie coach na si Monty Williams matapos na talunin ng Hornets ang Denver, 101-95.

Umiskor si Chris Paul ng 18 puntos at nagdagdag naman si David West ng 17 puntos para sa Hornets.

Binalikat naman ni Carmelo Anthony ang Denver sa pagposte ng 24 puntos at 10 rebounds para sa Den­ver na umabante sa 79-74 sa kaagahan ng fi­nal canto bago nagbalik si Paul mula sa pagpapahinga at nagsalpak ng 10 puntos mula sa loob sa final siyam na minuto ng laban.

Sa Boston, gumawa si Rajon Rondo ng triple-dou­ble tampok ang career-high 24 assists upang pamunuan ang Boston sa 105-101 panalo laban sa New York Knicks.

Nagsumite rin si Rondo ng 10 puntos at 10 rebounds at hinigitan ang kan­yang regular-season personal best na 18 assists, ngunit kapos pa rin ito sa franchise record na 28 na naitala ni Bob Cousy noong 1959.

Sa Minneapolis, Minnesota, isang kumportableng panalo ang kinuha ng Timberwolves mula sa boards makaraang gibain ang Milwaukee Bucks, 96-85.

Humataw si Michael Beas­ly ng 21 puntos at 10 rebounds habang nag­dag­dag naman si Kevin Love ng 17 puntos at 16 rebounds at pamunuan ang Wolves sa pagtala ng 62 rebounds kumpara sa 39 lamang ng Bucks.

Sa iba pang laro, tinalo ng New Jersey Nets ang Sacramento Kings, 106-100; ginapi ng Atlanta Hawks ang Philadelphia 76ers, 104-101; naungusan ng Indiana Pacers ang Charlotte Bobcats sa iskor na 104-101; hiniya ng Toronto Raptors ang Cleveland Cavaliers, 101-81 at nalusutan ng Oklaho­ma Thunder ang Detroit Pistons,105-104.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

BIG THREE

BOB COUSY

CARMELO ANTHONY

CHARLOTTE BOBCATS

CHRIS PAUL

CLEVELAND CAVALIERS

DAVID WEST

PUNTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with