Amit ayaw paawat sa pananalasa

MANILA, Philippines - Muling ipinakita ni Ru­bi­len Amit ang kanyang pa­­matay na porma nang b­i­guin ang kababayang si Anna Tulauan, 6-1, sa 2010 Yalin Women’s World 10-Ball Championship sa Nuvo City sa Libis, Quezon City.

Ito ang ikalawang panalo ng 28-anyos na si Amit matapos talunin si American Angel Paglia, 6-3.

“I was at the TV table when I played my first game and the pressure was really big so I struggled a lot and became a little bit nervous,” ani Amit, pinamahalaan rin ang nakaraang World Mixed Doubles Champion­ship katuwang si living le­gend Efren “Bata” Reyes bukod pa ang pagrereyna sa 8-ball at 9-ball events ng 2009 Southeast Asian Ga­mes sa Laos.

Kailangan lamang ni Amit na manalo alinman ki­na Chen Tsai Pei ng Chi­nese-Taipei, American Dara Aft at kababayang si Abigail Anola, pumalit kay Johanna Espinoza ng Venezuela, para makausad sa knockout phase.

Umiskor si Chen ng 6-0 panalo kay Anola, 6-0, at kay Tulauan, 6-2, na tinalo rin ni Aft.

Tumipa naman si Pag­lia ng 6-2 tagumpay laban kay Tulauan. Natalo naman si Iris Ranola kay Spanish conquistador Amalia Matas, 4-6, sa Group 5 ng nasabing eight-group tournament na may $20,000 champion purse.

Ito ang unang kabiguan ni Ranola makaraang igupo sina Canadian Veroniuque Menard, 6-0, at Chinese Wu Jing, 6-2, sa opening day.

Maaari pang makasama si Ranola sa knockout stage kung mananalo alinman kina Korean Yu Ram Cha o Japanese Miyuki Fuke.

Show comments