Buenafe pinabilib si Guiao, PBA PoW

MANILA, Philippines - Minsan lamang bumilib sa isang player si Air21 head coach Yeng Guiao.

At ito ay kanyang ipina­kita nang magtala si Ronjay Buenafe ng 25 points mula sa 8-for-13 fieldgoal shoo­ting para igiya ang Express sa 86-83 panalo kontra Alaska Aces noong Biyernes at tanghaling Accel-PBA Press Corps Player of the Week sa 2010-2011 PBA Philippine Cup.

Humugot naman si Ron­nie Matias ng siyam sa kanyang 16 points sa fourth period ngunit si Buenafe ang siyang nag­dala sa Air21 sa third period sa kanyang ikinasang 13 points.

Nagposte rin si Buenafe ng 5-of-5 clip sa three-point range para sa 2-2 win-loss slate ng Express.

“I am very happy for him. He’s been working on his game and he deserves it,” sabi ng four-time champion na si Guiao sa 6-foot-1 na si Buenafe, produkto ng Emilio Aguinaldo College.

Si Buenafe, ang No. 11 pick ng Coca-Cola Tigers sa 2007 draft bago dinala sa Burger King sa pamamagitan ng trade noong nakaraang PBA season.

Tinalo ni Buenafe para sa naturang weekly honors sina Barangay Ginebra forward Rudy Hatfield at San Miguel off-guard Dondon Hon­tiveros.

Show comments