^

PSN Palaro

Pinas nilalakad ang hosting ng Men's C'ship

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Gagamitin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang SEABA Women Championship upang maipakita ang ka­handaan ng Pilipinas na tumayong punong abala sa malakihang torneo sa basketball.

Ang Pilipinas ay nagsumite uli ng ka­nilang bidding sa FIBA Asia para sa ban­sa gawin ang Men’s Championship sa Agosto.

Tumatanggap uli ang FIBA-Asia sa mga bansang nagnanais na tumayong punong abala sa kompetisyon na quali­fying event para sa 2012 London Olympics, matapos bawiin ang desisyon na ang Lebanon na ang siyang host ng torneo.

Mga di magandang karanasan nang gawin sa Lebanon ang Stankovic Cup ka­makailan ang nagtulak sa FIBA Asia upang alisin sa Lebanon ang nasabing torneo.

“We have submitted our bid and the FIBA-Asia has acknowledge it. Hopefully, the SEABA Women Championship is just the prelude of bigger international basketball games in the country,” wika ni SBP executive director Noli Eala.

Kung mapapahintulutan, ang men’s championship ang ikalawang malaking hos­ting ng bansa sa basketball dahil sa Mayo ay gagawin naman sa Pilipinas ang FIBA Asia Champions Cup na katatampukan ng dalawang imports ang mga ka­lahok.

Pero para sa SBP, mahalaga sa programa ang Men’s Championship dahil kukumpleto ito sa hangarin ng asosasyong pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan na maibalik ang bansa sa Olympics.

ANG PILIPINAS

ASIA CHAMPIONS CUP

LONDON OLYMPICS

MANUEL V

NOLI EALA

PILIPINAS

SAMAHANG BASKETBOL

SHY

STANKOVIC CUP

WOMEN CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with