^

PSN Palaro

Thais nagparamdam agad, hiniya ang Malaysia

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ipinaramdam agad ng nagdedepensang Thailand ang kanilang puwersa nang pabagsakin ang Malaysia, 78-64, sa pagpapatuloy ng 7th SEABA Women Championship kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ginamit ng Thais ang unang yugto bilang kani­lang warm up bago tulu­yang inilabas ang bangis ng paglalaro sa second period tungo sa paghagip sa unang panalo sa limang koponang liga.

Nilimitahan ng depensa ng Thais ang Malaysia, na unang dinurog ang Indonesia, 84-60, sa walong puntos sa second period para ang 17-21 paghahabol sa first period ay naging 39-29 bentahe sa halftime.

Tuluyang nabaon ang Malaysia nang kumunekta ng pitong tres sa 11 bulso sa second half and nag­de­depensang kampeon para maibaba sa 1-1 ang ka­nilang karta.

 Pinanood ng Pamban­sang koponan ang nasabing laro at napahanga si coach Haydee Ong sa lakas ng nagdedepensang kampeon.

“Kumpleto sila mula sa point guard hanggang sa sentro. Pero pag-iisipan namin sila kapag sila na ang makakaharap namin. Sa ngayon ay focus kami sa game against Malaysia bukas,” wika pa ni Ong na unang dinurog ang Singapore, 101-34.

Sa nakita ni Ong, ka­yang talunin ng women’s na­tional team ang Malaysia dahil hindi malalim ang bench ng mga ito.

Kung manalo sa Malaysia, halos maisusulong na nila ang paa sa finals dahil lalasapin ng katunggali ang ikalawang kabiguan sa single round elimination format ng torneo. 

GINAMIT

HAYDEE ONG

IPINARAMDAM

KUMPLETO

MALAYSIA

NILIMITAHAN

NINOY AQUINO STADIUM

ONG

SHY

WOMEN CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with