Warren Kiamco pinatalsik ni Corey Deuel sa 2010 World Cup 9-BAll
MANILA, Philippines - Natapos na ang suwerte ni Warren "Warrior" Kiamco.
Ito ay matapos yumukod si Kiamco kay dating US Open 9-ball champion Corey "The Prince" Deuel ng USA, 12-14, sa 35th Annual US Open 9-Ball Championship sa Chesapeake Conference Center sa Virginia, USA.
Ang kabiguan ng pambato ng Cebu sa loser's bracket ang tuluyan nang bumura sa kampanya ng mga Filipino cue artists sa naturang torneo.
Nauna nang napatalsik sina billiards legends Efren "Bata" Reyes, Jose "Amang" Parica at reigning World 9-ball titlist Francisco “Django” Bustamante” kasama sina Alex "The Lion" Pagulayan, Ronato "Volcano" Alcano, Dennis "Robocop" Orcullo, Roberto "Pinoy Superman" Gomez, Antonio "Nickoy" Lining, Lee Vann "The Slayer" Corteza, Ramil "Bebeng" Gallego, Santos "The Saint" Sambajon, Jundel Mazon at Edwin Montal.
Makakasagupa ni Deuel sa finals si Briton Darren Applegate.
- Latest
- Trending