^

PSN Palaro

SEABA women's cagefest simula na ngayon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Naniniwala ang opisyal ng nagdedepensang Thailand na magiging 3-way fight ang tagisan para sa 7th Southeast Asian Bas­ketball Association women’s championship na bubuksan ngayon sa Ni­noy Aquino Stadium.

“All teams here should be well prepared. But past records show Malaysia as a tough team while last edition it was Philippines,” wika ni Thongchai Vatanasakdakul na team manager ng Thailand.

Ipaparada ng Thais ang koponang ilalaban sa Asian Games sa Guangzhou Chi­na upang maipakita ang pagiging seryoso para madomina ang torneo sa ikalawang sunod na taon.

“Ang motibasyon ng team ay maipanalo ang SEABA upang mailagay ang RP women’s basketball sa world map. Naniniwala akong maganda ang tsansa nating manalo,” wi­ka naman ni team manager Cynthia Tiu.

Ang lakas ng koponang hawak ni coach Haydee Ong ay makikilatis sa pag­harap nila sa Singapore sa alas-3:45 ng hapon na sagupaan.

Unang laro ay sa pagitan ng 5-time champion na Malaysia laban sa Indonesia ganap na ala-1 ng ha­pon at matapos ito ay isasagawa ang opening ceremony.

Mangunguna sa kopo­nan sina Joan Grajales, Sylvia Marie Valencia, Merenciana Arayi, Cassey Tioseco at Melissa Jacob na kabilang sa koponang tumapos sa ikalawang puwesto sa Thailand noong 2007.          

Pinalakas pa ang kopo­nan sa paghugot sa isa pang Fil-Am na si Anna Ka­trina Pineda

Ang Thais naman ay sa­salang bukas laban sa Ma­laysia.

ANG THAIS

ANNA KA

AQUINO STADIUM

ASIAN GAMES

CASSEY TIOSECO

CYNTHIA TIU

GUANGZHOU CHI

HAYDEE ONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with