^

PSN Palaro

Posadas tumalon sa 4th place

-

TOULON, France - Nag­pagulong si Apple Posadas ng 2336 pins sa 10 games para umakyat sa fourth place mula sa 17th place, habang nahulog naman si dating World Masters champion Biboy Rivera sa eigth place sa 46th Qubica AMF Bowling World Cup.

Nagtala si Rivera, namuno sa unang qualifying round bago nadulas sa third place sa ikalawang araw, ay nag­lista ng 2179 matapos ang ikalawang fi­ve-game block para sa kanyang average na 217.90.

Inagaw naman ni Posadas ang eksena nang magposte ng 2336 para kunin ang fourth spot.

Si South Korean Gye Min-Young ang nagbunga sa women’s field sa kanyang 2474 kasunod ang 2367 ni Malaysian Wendy Chai at 2347 ni Singapore’s Daphne Tan.

Kinuha naman ni Ame­rican John Szczerbinski ang isang 75-pin lead ma­tapos ang second round sa men’s singles sa kanyang 2335.

Nasa ilalim sina Norwagian Mads Sandbaekken (2260) sa kanyang five-game series na 1207 kasunod sina Matt Miller ng England (2239), Swiss Kwan Harn-Chieh (2218) at Venezuelan William Ching (2206).

Ang record number na 167 players (91 men at 76 wo­men) mula sa 92 coun­tries ang naglalaban sa individual kegfest na dinomina ni legendary Paeng Nepomuceno ng apat na sunod.

Ang naturang bilang ng mga kalahok ang siyang bumasag sa dating record na 166 na naiposte sa 40th BWC sa Singapore noong 2004.

APPLE POSADAS

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

DAPHNE TAN

JOHN SZCZERBINSKI

MALAYSIAN WENDY CHAI

MATT MILLER

NORWAGIAN MADS SANDBAEKKEN

PAENG NEPOMUCENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with