^

PSN Palaro

Walang dapat ikabahala!

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kung ang matalik na ka­ibigan ang siyang tatanungin, hindi dapat mabahala ang mga tumatangkilik kay Manny Pacquiao sa kanyang pagharap kay Antonio Margarito sa Nobyembre 13 sa Cowboy’s Sta­dium sa Arlington, Te­xas.

Ayon kay Buboy Fernandez, kumbinsido siyang babalik ang bilis ni Pacquiao bago pa ang takdang laban nila ni Margarito para sa bakanteng WBC junior middleweight title.

“Wala silang dapat na ipag-alala. Makukuha sa training ang bilis ni Manny at bago pa ang laban ay nakuha na niya ito,” wika ni Fernandez.

Maging ang pangambang mahihirapan ang Pam­bansang kamao sa malaking agwat ng height nila ni Margarito ay hindi rin problema.

Si Margarito ay may taas na 5’11 o halos limang pulgadang agwat kay Pacquiao.

“Mas maganda para kay Manny ang malaki ang kalaban. Minsan kasi ay nakabukas siya. Kung maliit ang kalaban ay mas delikadong matamaan siya pero kung mas malaki ang kalaban, hindi ito magiging bentahe sa kanya,” paliwanag pa ni Fernandez.

Mismong si Pacquiao ay nagsantabi sa mga pa­ngambang nararamdaman ng ilan kahit aminadong hindi pa abot ang pinaka­rurok sa ginagawang pagsasanay.

Nakatatak kasi sa kanyang isipan ang katotohanang lahat ng makakalaban ay gusto siyang talunin kung kaya’t ito ang hindi niya pahihintulutan mapahirapan man siya sa ginagawang pagsasanay.

“Dahil ako ang tinaguriang pound for pound best na boksingero, alam kong lahat ng makakalaban ko ay gusto akong talunin. Hindi ko hahayaan at bibigyan ng pagkakataon ang mga ka­laban upang makuha ang titulong iyan mula sa atin,” wika pa ni Pacquiao.

Masinsinan na ang gi­na­gawang paghahanda ni Pacquiao at sa plano nga ni Roach ay bubunuin nito ang 60 rounds ng sparring sa linggong ito at sa su­su­nod na linggo bago magsimula silang pababain ang training load ni Pacman.

Pakay ng pambato ng bansa na Kongresista rin ng Sarangani Province, na masungkit ang ikawalong titulo sa magkakaibang dibisyon na kung ma­gagawa ay seselyo pa sa kanyang pagiging pinakamahusay na boksingero sa mundo.

Inaasahang nasa Manila na ang Team Pacquiao at ipagpapatuloy ang pagsasanay hanggang bukas at kinagabihan ay tutulak na sila ng Los Angeles para dito wakasan ang pagha­handa.

ANTONIO MARGARITO

BUBOY FERNANDEZ

FERNANDEZ

LOS ANGELES

MARGARITO

PACQUIAO

SARANGANI PROVINCE

SHY

SI MARGARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with