^

PSN Palaro

Arum 'di pa rin kumbinsido kay Pacman kahit na...

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Top Rank Promoter Bob Arum na liyamado si Manny Pacquiao kay Antonio Margarito sa kanilang sagupaan sa Nobyembre 13 sa Cowboy’s Sta­dium sa Arlington, Texas.

Pero hindi naman kumbinsido si Arum na sobra-sobra ang layo ni Pacquiao kay Margarito kung odds ng laban ang pag-uusapan.

Sa bagong datos sa odds ng nasabing sagupaan ay may -650 na si Pacquiao laban sa +425 naman ni Margarito.

“The odds are totally crazy,” wika ni Arum.

Lalabas na ang isang pupusta kay Pacquiao ay ka­ila­ngang maglabas ng $650 upang manalo ng $100 habang ang mga magtitiwala kay Margarito ay tatama na­man ng $425 sa $100 taya.

Para kay Arum, ang tamang odds ay 2 ½ laban sa 1 pabor pa rin kay Pacquiao.

“Two and a half to one in Manny’s favor is the proper line. That’s just Filipinos betting more on Manny,” wika pa ni Arum.

Bagamat nagpahayag na ng kanyang pangamba sa itinatakbo ng pagsasanay ni Pacquiao, hindi naman lubusang nawawala ang tiwala ni Arum na maipapanalo ng Pambansang kamao ang laban nila ng 5’11 na si Margarito.

“Absolutely,” sagot ni Arum sa katanungan kung ma­ipapanalo ni Pacquiao ang laban para sa bakanteng WBC junior middleweight title.

“He has plenty of time to get into shape for this fight in LA,” dagdag nito.

Kung mabigo man si Margarito, masasabing hindi niya ito ikasasama ng loob dahil anuman ang mangyari ay nakakatiyak na siya ng $3 million kita nang kunin siya ni Pacquiao para sa labang ito.

Ang halagang ito ay bukod pa sa porsiyento kikitain ni Margarito sa Pay Per View kung kaya’t maaaring pumalo sa $5 hangang $6 million ang perang hahakutin matapos ang nasabing sagupaan.

Ang bagay na ito bukod pa sa hangaring maibangon ang puring nadungisan nang malagay sa kontrobersya sa laban nila ni Sugar Shane Mosley, ang makakatulong upang magpursige si Margarito na talunin si Pacquiao.

Ang Team Pacquiao naman ay inaasahang nasa Manila na ngayon at dito na isasagawa ang huling mga pagsasanay bago tumulak sa Los Angeles sa Sabado ng gabi.

vuukle comment

ANG TEAM PACQUIAO

ANTONIO MARGARITO

ARUM

LOS ANGELES

MARGARITO

PACQUIAO

PAY PER VIEW

SUGAR SHANE MOSLEY

TOP RANK PROMOTER BOB ARUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with