NPC 'Freedom Run' tuloy ang pagpapatala
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtanggap ng mga kalahok para sa gaganaping National Press Club (NPC) ‘Freedom Run’ sa Oct. 24 sa makasaysayang Intramuros.
Libre ang entry fee para sa mga miyembro at kamag-anak na lalahok sa 3K 15-under event, gayundin sa 5K media class, habang may entry fee na P300 para sa 5K at P500 sa 10K open class ng torneo na sanctioned ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa).
Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa NPC Secretariat (hanapin sina Tita Feky at May) sa telepono blg. 301-0521/22 o telefax 521-9300. Maari ring kausapin sina Ms. Tina Maralit, NPC sports co-chairman sa mobile No. 0917-6658888 o kay Mr. Edwin Rollon, sports coordinator, sa 0926-7363386.
Maaari ring magpatala sa pamamagitan ng online sa [email protected] at [email protected].
- Latest
- Trending