^

PSN Palaro

Boosters nanghina sa Tigers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nang mawala si 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava, si Gary David na ang naging ‘heart and soul’ ng mga Tigers.

Muli itong ipinakita ng produkto ng Lyceum of the Philippines matapos pagbidahan ang 87-77 panalo ng Powerade kontra Barako Bull sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagtala ang 6’1 na si David ng 23 points para sa 2-1 rekord ng Tigers ni coach Bo Perasol, habang nahulog sa 1-2 ang baraha ng Energy Boosters ni Junel Baculi matapos gitlain ang Meralco Bolts, 74-68, noong nakaraang linggo.

Itinala ng Powerade ang isang 20-point lead sa first half, 46-26, hanggang makabangon ang Barako Bull sa fourth period matapos idikit ang labanan sa 81-72.

Isang split ni Dennis Espino kasunod ang three-point play ni David ang muling naglayo sa Tigers sa 85-72 sa huling 1:20 ng laro upang tuluyan nang biguin ang Energy Boosters.

“Medyo nag-relax kami sa second half, hindi namin magawang mai-execute ang mga plays namin at madami kaming turnover,” wika ni Perasol. “Good thing nakabawi kami sa endgame.”

Nagdagdag si Espino ng 17 points para sa Powerade kasunod ang 14 ni Fil-Am forward Will Antonio.

“Maganda ‘yung panalo namin kasi nasa upper bracket agad kami kahit na eliminations pa lang,” sabi ni David.

Pinamunuan ni Reed Juntilla ang Barako Bull mula sa kanyang 19 points, habang nag-ambag si rookie Hans Thiele ng 13 points at 13 rebounds.

Tumipa si Mark Isip ng 12 points, samantalang may 11 naman si Sunday Salvacion para sa Photokina franchise.

Kasalukuyan pang naglalaban ang Barangay Ginebra (2-1) at San Miguel (1-1) kung saan hangad ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Powerade 87 - David 23, Espino 17, Antonio 14, Ritualo 8, Reyes J. 6, Reyes R. 5, Lanete 4, Calimag 4, Rizada 2, Macapagal 2, Laure 2, Gonzales 0, Mendoza 0.

Barako Bull 77 - Juntilla 19, Thiele 13, Isip 12, Salvacion 11, Yee 8, Wainwright 7, Misolas 4, Cruz 2, Alonzo 1, Duncil 0, Andaya 0, Hubalde 0, Dimaunahan 0.

Quarterscores: 21-15, 46-26, 69-55, 87-77.

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

DENNIS ESPINO

ENERGY BOOSTERS

FIL-TONGAN ASI TAULAVA

GARY DAVID

GIN KINGS

POWERADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with