Leviste chess tourney kasado na
MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa 6th Dr. Jose P. Leviste Sr. Inter-School Chess Festival sa Nobyembre 7 sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Katipunan Ave., Quezon City.
Ang palarong ito ay proyekto ng Ateneo Grade School, High School and Collegiate chess team sa pangangalaga ni International Master Idelfonso Datu para sa alaala ng Ateneo alumnus na si Leviste (HS ’33, AA ’35).
Magkakaroon ng tatlong dibisyon ang torneo na isasagawa sa six-round Swiss system at bukas ang kompetisyon sa mga lehitimong grade school, high school at college students na hindi pa titulado sa laro ng chess.
May active time control na 25 minutes kada manlalaro at ang mangungunang apat na puwesto ay magkakaroon ng cash prizes.
Ang pagpapatala sa paglahok ay sa Nobyembre 7 mula ika-8 ng umaga at ang registration fee ay nasa P300 kada manlalaro. Maaari namang magpa-reserve ng puwesto sa email na [email protected].
- Latest
- Trending