^

PSN Palaro

Isa na lang sa Bedans

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipinakita ng San Beda ang masidhing hangarin na mabawi uli ang titulong naisuko noong nakaraang taon sa pamamagitan ng 93-73 pagdurog sa nagde­depensang San Sebastian sa pagsisimula ng 86th NCAA men’s basketball Finals kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang papaalis ng si Borgie Hermida ang siyang tu­mayo at namuno sa Red Lions ng umatungal sila ng pagkalakas-lakas upang maalis ang tapang ng mga Stags tungo sa paglapit sa isang panalo para maibalik ang kampeonato sa Mendiola-based dribblers.

Hinagip ang ika-17 su­­nod na tagumpay, pina­kawalan ni Hermida ang limang sunod na puntos matapos ang huling tabla sa 58-all para mapagni­ngas ang 14-2 bomba at mahawakan ng Lions ang 72-60 kalamangan papasok sa huling yugto.

Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang Stags dahil umarangkada pa sina Rome Dela Rosa, Anthony Semerad Garvo Lanete ha­bang dinomina ni Sudan Daniel ang ilalim.

Habang umaarangkada ang Lions, ay natahimik ang tropa ni coach Renato Agustin dahil dalawang field goals na lamang ang kanilang nagawa sa huling yugto.

“Borgie was tough as he also provided the team with his leadership. Sudan played well while Semerad hit good shots for us,” pagpupugay ni Lim.

Si Hermida na skipper ng koponan ay tumapos taglay ang 18 puntos, 13 sa second half, bukod sa 13 rebounds 4 assists, 3 steals at 1 block habang si Lanete ay may 17 puntos.

May double-double na 15 puntos at 10 rebounds si Daniel habang nagsanib sa 25 puntos sina Dela Rosa at Semerad.

“Dikit ang first half kaya sa halftime ay sinabi ko sa kakampi ko na nananalo kami dahil sa teamwork at execution. Mabuti at tumugon sila,” wika ni Hermida na sa kanya iniaalay ng kakampi ang kampeonato kung matatalo ang Baste.

 Bago ito ay nagparamdam na ang San Beda sa napipintong dominasyon nang kunin ng Red Cubs ang 89-64 panalo sa Staglets para sa 1-0 kalama­ngan sa best-of-three finals sa juniors division.

Pinatunayan ni Baser Amer na karapat-dapat siya sa MVP award nang kumulekta ng kanyang maghatid ng season-high 18 assists upang isama sa kanyang 14 puntos at 9 rebounds.

 San Beda 93- Hermida 18, Lanete 17, Daniel 15, dela Rosa 13, A. Semerad 12, J. Pascual 6, Caram 4, Marcelo 4, K. Pascual 4, Mendoza 0, D. Semerad 0.

San Sebastian 73- Abueva 22, Raymundo 15, Pascual 12, Bulawan 9, Semira 6, Sangalang 4, Najorda 3, del Rio 2, Gatchalian 0.

Quarterscores: 26-23; 44-40; 72-60; 93-73.

ANTHONY SEMERAD GARVO LANETE

ARANETA COLISEUM

BASER AMER

BORGIE HERMIDA

DELA ROSA

HERMIDA

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SEMERAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with