^

PSN Palaro

Filipino citizenship ni Douthit ibinitin ng Malacañang

-

MANILA, Philippines - Bagamat inaprubahan ng Kongreso at Senado ang pagbibigay ng Filipino citizenship kay American import Marcus Douthit, hindi naman ito kinatigan ng Malacañang.

Sinabi kahapon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na hindi binigyan ng impor­tan­sya ng Malacañang ang bill na nag-aapruba sa naturalization ng 6-foot-11 na si Douthit na siyang ibabande­ra ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa November.

Nauna nang inapruba­han ng House of Represen­tatives at ng Senate ang naturalization ni Douthit sa hangaring mapalakas ang tsansa ng Smart Gilas ng SBP sa 2010 Guangzhou Asiad.

“We passed this for pride and glory. We in the Se­nate have done our job but they didn’t want to certify their first bill as one of naturalization,” ani Zubiri sa Malacanang.

Noong Martes ay ipinasa ng Senado sa second reading ang Senate Bill No. 2559 na nagbibigay kay Douhit ng Filipino citizenship isang linggo matapos maaprubahan ang House Bill No. 2559 sa Kongreso.

Para sa pagkakapasa ng naturang batas, kaila­ngan lamang gawin ng Palasyo ay ang paglalagay rito bilang isang ‘urgent bill’.

Bunga nito, sa Nov. 8 pa muling matatalakay sa Senado ang naturalization ni Douhit, habang sa Nov. 12-27 naman nakatak­da ang quadrennial meet.

ASIAN GAMES

DOUHIT

DOUTHIT

GUANGZHOU ASIAD

HOUSE BILL NO

HOUSE OF REPRESEN

JUAN MIGUEL ZUBIRI

KONGRESO

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with